mula sa abante.com
SATURDAY, AUGUST 07, 2010

MAS lalong lumala ang Network war ngayong naglabas na ng bagong memo ang GMA 7 na nagbabawal sa kanilang mga talents na magpa-interview sa kahit na sinong alagad o field reporters ng mga kalabang istasyon na tulad ng ABS CBN 2 at TV 5. Ang memo ay inilabas at ipinamudmod sa lahat ng mga shows ng Kapuso Network nong nakaraang linggo. Walang nakaligtaan ang Siyete na padalhan ng naturang memo, lalo na ang mga seryeng tini-taping sa kung saan-saang lugar. Sinasabi sa memo na hindi na papayagan pang ma-interview ng kahit na sinong movie scribes o ng kahit na sinong field reporters ng ibang istasyon ang kanilang mga talents.


Hindi na rin papayagan ang mga entertainment press na dumalaw ng basta-basta sa mga tapings ng kani-kanilang show para mag-interview ng kanilang mga artista. Puwera na lang daw kung inimbitahan mismo ng Corporate Communications o PR ng GMA.


Pero ang lahat daw ng gagawing pag-imbita ay dapat coordinated sa mga executives, na hindi tulad noon na ang mga Executive Producers ang nagdi-decide, katuwang ang kanilang mga Program Managers, at ibabato lang ito sa kanilang PR for coordination.


Napatunayan naming mas mahigpit ngayon ang Kapuso Network kesa dati dahil nu’ng sinabihan namin ang isang kaibigang aktres na gusto namin siyang dalawin sa taping ng kanyang teleserye para ma-interview, dahil hindi namin siya na-interview sa press launching nila, sinabi niya agad sa akin na hindi na raw pinapayagang duma*law ang kahit na sinong press na hindi dumaraan sa mga boss ng GMA.

Kaila*ngan daw ay may approval ito ng kanilang Executive Producers.


Hindi ganito dati ang Kapuso Network. Dati kasi, kahit biglaang pagbisita sa set ng kanilang mga shows ay okey lang sa kanila.


Isang libreng publicity sa mga columns ng mga movie scribes ang makukuha ng mga show sa pag-i-interview ng mga manunulat sa kanilang mga talents o artists. Maliban sa mga EPs’, pina*dalhan na rin daw ng Kapuso Network ang mga mana*gers ng kanilang mga ta*lents, na nagsasaad nga na bawal na ang magpaunlak ng interview, lalo na sa mga kalabang istasyon.


‘Yun nga lang, may mga ibang activities at raket din ang maraming ta*lents ng GMA kaya naman hindi rin maiwasang hindi ito ma-interview ng mga reporters ng ABS CBN 2 at TV5.


Ang pagbabawal na ipa-interview ang kanilang mga talents, ayon sa aming pagkakaalam, ay upang protektahan daw ang kanilang mga alaga sa mas matitin*ding intriga.


Karamihan daw kasi sa mga lumalabas na ba*lita sa kanilang mga artista ay hindi promo ng mga shows nila, kundi puro intrigang personal. Ipinagbawal din ang pagbisita sa set ng mga press para raw hindi makasagabal sa trabaho ng mga artista nila.