mula sa abante.com
SATURDAY, AUGUST 07, 2010



PARAMI nang parami ang naaaliw kay Jillian Ward, ang cute at pinakabagong child wonder na mas kilala bilang Trudis Liit.


Kunsabagay, multi-talented kasi ang batang ito dahil mapadrama man, sayawan o kantahan, hindi siya pahuhuli sa pagbibigay-saya sa mga manonood.


At ngayong Sabado, isang award-winning actress at public servant naman ang so*sorpresahin at pasasayahin ni Jillian -- ang orihinal na Trudis Liit na si Batangas Governor Vilma Santos!


Binigyang katuparan ng Wish Ko Lang ang minsang hiling ng Star for All Seasons sa mga talk shows na nais nitong makita at makasama ang bagong child star na si Jillian, ang gumaganap ngayon sa karakter na Trudis Liit na unang ginampanan ni Gov. Vilma Santos .


Ang Trudis Liit ang kauna-unahang pelikula at siya ring nagbigay ng kauna-unahang FAMAS award sa Star for All Seasons.


Si Jillian ang bida sa top-rating afternoon drama na Sine Novela presents Trudis Liit na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga.


Aliw na aliw nga si Gov. Vi sa ganda, talino, at kakulitan ni Jillian.


Well, huwag palampasin ang masaya at nakakatuwang pagkikitang ito ng dala*wang Trudis Liit mula sa magkaibang henerasyon ngayong Sabado ng hapon sa Wish Ko Lang pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.