-
Mga Balita Sa Pnas, Agosto 23
mula sa abante.com
PUMAPASADANG KABAONG UBUSIN NA! -- PNOY
Rose Miranda
Desidido ang pamahalaang Aquino na walisin sa kalye ang mga pumapasadang kabaong o rolling coffins na pangunahing dahilan ng tumataas na bilang ng mga aksidente sa lansangan.
Nagpalabas kahapon ang Malacañang ng mga serye ng kautusan sa mga sangkot na ahensya ng gobyerno at transport sector kung paano malilimitahan ang mga major road accidents sa bansa.
Sa panayam ng Radyo ng Bayan, sinabi ni Communications Group Secretary Herminio Coloma na una na nilang isusulong ang pag-uutos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-review ang aspeto ng “road engineering” sa ilang national highways dahil posible na hindi ligtas o hindi maayos ang konstruksyon nito para sa mga bumibiyahe, ikalawa ang pagsuri sa road worthiness ng mga bumibiyaheng public utility vehicles (PUVs), ikatlo ang pag-review sa kwalipikasyon ng mga PUV drivers, pagsilip sa prangkisa ng mga PUV operators upang madetermina kung kumpleto ang dokumento ng mga ito; at panghuli ang mas maigting na komunikas*yon sa mga bus operators, sa mga probinsya man o sa Metro Manila upang ipaalala sa mga ito ang kahalagahan ng road safety.
“Kailangan po na ma*lawakan at komprehensibo ang solusyon dito,” ani Coloma.
Ibinaba ng Palasyo ang kautusan matapos ang malagim na Benguet road accidents kamakailan na kumitil sa buhay ng 40-katao at ang pagkasawi ni 2009 Bini*bining Pilipinas Melody Gersbach at dalawang kasamahan sa Bula, Camarines Sur.
Intel fund ni PNoy, kursunadang tapyasan
Dindo Matining/Rose Miranda
May posibilidad na pag-aaralan ng liderato ng Senado kung dapat bang tanggalin o hindi ang P500 milyon intelligence funds ng Office of the President (OP).
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, pag-uusapan umano nila ng Senate committee on finance na pinamumunuan ni Sen. Franklin Drilon sa gagawing budget deliberation kung dapat bang alisin o hindi ang intelligence ng OP.
“I can talk to the chairman of the finance committee,” pahayag ni Enrile sa panayam ng dzBB.
Sinabi ni Enrile na hindi umano “entitled” ang OP sa intelligence funds dahil naman umano sa “gathering unit” ang tanggapan ng Pangulo kundi “user” lamang ng intelligence funds.
“Sa totoo lang ang opisina ng presidente are not entitled to intelligence fund, it is user of the intelligence fund. It is not gathering unit of intelligence. Saka the president can utilize intelligence fund of any government agency under the executive department because he is the Chief Executive,” ani Enrile.
Ayon pa sa senador, bago napunta sa intelligence funds sa OP, ito ay pondo umano para sa intelligence fund ng President Anti-Organize Crime Task Force (PAOCTF) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
“Noong mawala si Erap, ‘di na PAOCTF ang gumamit, napunta na Office of the President (ng nagdaang administrasyon),” saad pa ni Enrile.
Bilang reaksyon, sinabi nina Communications Group Secretaries Hermi*nio Coloma at Ricky Carandang na dahil hindi pa nila nakikita ang panukala ay mas nais nila na mabasa at mapag-aralan muna ito bago magbigay ng opisyal na posisyon hinggil dito.
Inamin ni Coloma na masusing pag-aaral ang kinakailangang gawin ng ehekutibo sa nasabing panukala ni Enrile.
“Need to study this proposal more thoroughly,” ani Coloma sa Abante.
.
.
.
FORUM RULES
Please don't PM me if not site related issues. PM'ing Staff with setup questions is against Rule#7
If you can not say something nice then say nothing at all.
.
-
House arrest kay Ping, aprub
Juliet de Loza/Dindo Matining
Payag ang kampo ni da*ting P/Supt. Cezar Mancao na mapasailalim sa “house arrest” si Sen. Panfilo Lacson kung babalik ito sa bansa at susuko para harapin ang kasong double murder na isinampa ng pamilya ng pinaslang na dating publicist Salvador ‘Bubby’ Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Sa ginanap na media forum sa balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Mancao, bilang isang kinikilalang tao sa Pilipinas at bilang isang senador, naiintindihan nila kung pagkakalooban ng katulad na treatment na ibinigay kay dating Pa*ngulong Joseph Estrada.
“Sumuko ka na (Lacson) at harapin mo ang kaso isinampa laban sa’yo,” wika pa ni Topacio.
Hindi naman umano makatwiran na isama si Lacson sa mga common criminals dahil siya ay isang senador at para hindi masira ang kanyang dignidad.
Ayon kay Topacio, wala nang dapat katakutan si Lacson tulad ng kanyang idinahilan na ginipit siya ng pamahalaang Arroyo dahil pamahalaan na ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ngayon ang namamahala na kanyang kaalyado.
Kaugnay nito, tiniyak ng isang kaalyadong senador ni Aquino kay Lacson na walang mangyaya*ring “political persecution” kung babalik ito sa bansa at harapin ang kanyang kaso.
Ayon kay Sen. Franklin Drilon, nararapat lang na bumalik na si Lacson sa bansa dahil hindi umano mangyayari ang iniisip niyang political persecution hindi tulad ng nagdaang administrasyon.
“Naniniwala akong dapat bumalik na si Sen. Lacson. Sa aking tingin naman wala naman senyales ng political persecution sa pamahalaan ni PNoy, hindi kagaya ng nakaraang administration,” ani Drilon kahapon.
Hinggil naman sa banta ng Violence Against Crime and Corruption (VACC) at pamilya ng napaslang ng publicist na maghahain sila ng reklamo sa komite dahil sa kasong kinasasangkutan nito, sinabi ni Drilon na, “Wala pa sigurong basehan ang ethics case na ihahain nila dahil hindi pa naman nagkakaroon ng trial.”
Girian sa barangay, SK polls
Rose Miranda/Noel Abuel/Tina Mendoza
Hindi isinasantabi ng Malacañang ang posibilidad na gamitin ni Pangulong Benigno Aquino III ang veto power nito sakaling tutulan ng mayorya ng mga mambabatas ang pagtatakda ng barangay elections sa Oktubre.
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang sa panayam ng Radyo ng Bayan ngunit iginiit na sa ngayon ay naniniwala silang hindi naman ito kakailanganin lalo na’t kumpiyansa sila na matutuloy ang barangay elections sa Oktubre na siyang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III basta’t sa susunod ay isasabay na lamang ito national polls sa taong 2013 o sa pamamagitan ng synchronized elections na siyang konsepto ng panukalang batas na hinihiling ng punong ehe*kutibo sa Kongreso.
“May ganoong paraan, either veto.. posibleng mang*yari ‘yun, pero meron sa pagkaalam ko na mag-i introduce ng bill measure sa Lower House na itutuloy ang barangay elections sa 2013 dahil kung gagawin ito in effect, iiklian ang termino ng mga mahahalal sa Oktubre so kailangang ang batas sa preferred method,” ani Carandang.
Samantala, inaasahang igigiit ngayong araw ng may 42,000 barangay officials sa buong bansa ang pagpapaliban ng barangay at SK polls sa 2012, sa gagawing pagdinig ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Kongreso.
Katulad noong nakaraang Lunes, dinagsa ng mga local officials ang pagdinig upang ipanawagan sa Aquino administration na pakinggan ang kanilang apela na ipagpaliban ang nasabing eleksyon.
Inihayag naman ng isang think tank group na maaari namang i-appoint ang mga opisyal ng baragay at may kapangyarihan ang Kongreso para isagawa ito.
“Malacañang can call on Congress to pass a law that would provide for the appointment, rather than the election, of barangay officials,” pahayag ng pri*badong think tank group na Forensic Law and Policy Strategies Inc. (Forensic Solutions).
Batay sa policy paper ni dating Justice Secretary Alberto Agra na siyang head ng nasabing think tank group na “silent” o walang nakasaad sa Konstistusyon kung paano ihahalal ang mga barangay officials kung kaya’t maaari na i-appoint na lamang ang mga ito upang nakatipid ng pondo.
.
.
.
FORUM RULES
Please don't PM me if not site related issues. PM'ing Staff with setup questions is against Rule#7
If you can not say something nice then say nothing at all.
.
-
-
Proteksyon, pabuya sa tipster at whistleblower
Noel Abuel
mula sa abante.com
Isinusulong kahapon ni Cebu Rep. Gabriel Luis Qui*sumbing ang Whistleblower’s Protection Act o HB 2675, na nagpapalawak sa depenisyon nito.
Partikular na tinukoy nito ang pagprotekta sa lahat ng informer laban sa mga abusadong opisyal ng pamahalaan at pagbibigay ng monetary reward bilang insentibo.
Una nang naghain ang ilang militanteng partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng isang panukalang batas na nagbibigay ng proteksyon at pabuya sa sinumang whistleblower at tipster na magiging instrumento para maalis ang sinumang opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang sangkot sa katiwalian at iregularidad.
Ayon sa HB 132 nina Bayan Muna Reps. Teodoro Casiño at Neri Javier Colmenares, dapat na maprotektahan ang mga whistleblower upang mapilitan nang lumutang ang iba pang may nalalamang katiwalian laban sa sinumang opisyal ng pamahalaan.
Sa ilalim ng isinusulong na batas may monetary reward system ang ibibigay sa sinumang whistleblower at mabibigyan umano ng proteksyon.
Ang pinakahuling exposé na torture video ng isang police official at mga tauhan nito laban sa isang holdup suspect ang nagtulak kay Quisumbing para ihain ang panukala kasabay ng maigting na pagkondena sa kalunus-lunos na human right violation.
Amyenda sa book publishing industry itinulak sa Kamara
Noel Abuel
Pinaaamyendahan sa Kongreso ang isang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Education (DepEd) upang masiguro na akma at makakatulong sa pag*linang ng kaalaman ng mga estudyante ang mga aklat at school materials na ibinibigay sa mga ito.
Nabatid sa ilalim ng House Bill 6936 na isinampa ni Camiguin Rep. Pedro P. Romualdo, nais nitong paamyendahan ang Republic Act 8047 o Book Publishing Industry Development Act, upang bigyan ang Dep*Ed ng kapangyarihan na matupad ang mandato nito na maprotektahan ang interes ng publiko at masiguro ang kalidad ng mga nagsipagtapos.
Sa ilalim umano ng nasabing panukalang batas ay inaatasan ang DepEd na manguna sa pagpapahusay ng mga textbooks at instructional materials sa mga duly accredited government at private institutions na may technical expertise at kapabalidad sa partikular na subject.
“This will ensure better content quality textbooks and instructional materials for elementary and secondary public schools which are comparable with the private elementary and secondary schools,” ayon pa kay Romualdo.
Gayundin, nakapa*loob sa nasabing HB ang pagbibigay sa DepEd ng karagdagang technical personnel sa Instructional Materials Council Secretariat na magsasagawa ng editorial functions tulad ng pag-aaral, editing, proofreading, pagrerekomenda ng larawan at book design.
.
.
.
FORUM RULES
Please don't PM me if not site related issues. PM'ing Staff with setup questions is against Rule#7
If you can not say something nice then say nothing at all.
.
-
Posting Permissions
- You may not post new threads
- You may not post replies
- You may not post attachments
- You may not edit your posts
-
Forum Rules