mula sa Abante-Tonite.com

7 HOSTAGE PATAY; MENDOZA TINAPOS SA ULO
Nina Tina Mendoza at Aries Cano



Sinabayan ng malakas na buhos ng ulan ang pagwawakas ng 11-oras na hostage drama sa harapan ng Quirino Grandstand sa Rizal Park dakong alas-nuwebe kagabi kung saan pito sa 25-kataong hinostage ang nasawi at napatay din sa pamamagitan ng tama sa kanyang ulo mula sa ‘sniper shot’ ang hostage-ta*ker na si dating Senior Inspector Rolando del Rosario Mendoza.
Tinipon umano sa isang lugar at saka pinagbabaril ng hostage-taker ang ilan sa mga hostage nito at nang masukol ng mga awtoridad ay nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa napatay na siyang nagtapos sa hostage drama.
Alas-7:20 ng gabi nang makarinig ng putok mula sa loob ng bus na nagbigay ng hudyat sa mga nakapuwestong sniper ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na magpaputok din at asintahin ang una*hang gulong ng tourist bus.
Makaraan ang ilang sagl*it, isang lalaki ang nakitang lumabas mula sa driver’s seat at mabilis na nagtatakbo papalayo kung saan nakumpirma na ito ang driver ng tourist bus.
Agad na sinalubong ng tatlong pulis ang dri*ver at sinabi nito na wala na umanong buhay na Chinese national sa loob ng bus.
Kasunod ng nakuhang impormasyon ay nilusob na ng mga pulis ang bus, pumuwesto at unti-un*ting minaso ang pintuan at bintana ng bus ngunit hindi agad nawasak dahilan upang talian ang pinto at hinila ng sasakyan ngunit hindi pa rin umubra nang maputol ang tali.
Makaraan ang may 30 minuto, nagawang makadungaw ng isang pulis sa loob ng bus at naghagis ng tear gas subalit uma*lingawngaw ang maraming putok ng baril dahilan para umatras ng bahagya ang kapulisan sa isinasagawang assault.
Ayon kay Supt. Nelson Yabut ng Manila Police District, sa salaysay umano ng driver ng tou*rist bus ay nag-open fire si Mendoza nang walang direktang target.
Naging mabagal ang pagsukol kay Mendoza dahil na rin sa pangamba na may granada ito hanggang sa mapatay umano ito ng isang sniper.
Nang makumpirma na nabaril at napatay na si Mendoza ay agad nang pinasok ang bus ng mga pulis.

MENDOZA, HANDANG MAMATAY

“Handa na handa na akong mamatay, wala na akong pag-asa sa buhay!”
Ito ang paulit-ulit umanong sinambit ni Mendoza dahil sa matinding pagkadesperado sa buhay, ayon sa kuwento ng isang official photographer ng travel agency na kabilang sa hinostage.
Sa panayam ng TONITE kay Danilo Nebril, 64, ilang beses siyang pinababa ni Mendoza pagkasampa nito sa bus, pero hindi niya ginawa dahil nag-aalala siya sa ibang pasahero.
Habang isinasagawa ng Mendoza ang pangho-hostage ay makailang beses umano nitong isiniwalat ang kanyang paghihimutok matapos tanggalin sa serbisyo.
Sinabi umano ni Mendoza na labis itong na*ngangamba kung papaano matutulungan ang kanyang pamilya dahil may nag-aaral pang anak.
Sabi naman ni Rigor Cruz, isa ring nakaligtas sa hostage-taking na labis ang takot niya .
Gayunman, kahit armado umano ang suspek ay nagagawa pa nitong magbiro para pakalmahin ang sitwasyon.
Makailang beses din umanong binanggit ng suspek na handa na siyang mamatay at magpakamatay dahilan sa kabiguan sa kanyang propesyon.
Pito sa mga Hong Kong tourist ang kumpirmadong nasawi, ayon sa mga doktor ng mga ospital na pinagdalhan sa mga biktima at maging ng Hong Kong government.
Gayunman, hindi pa masabi o malinaw kung paano sila namatay.
Nauna rito, habang kasagsagan ng hostage drama ay pinakawalan ni Mendoza ang pitong tu*rista, kabilang ang mga kabataan at dalawang Pinoy.
Ang bus driver ay nagawang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ilang minuto bago sina*lakay ng mga pulis ang sasakyan.
Apat pang hostage ang nakitang gumagapang palabas ng bus matapos ang hostage siege samantalang hindi pa alam kung ano na ang nangyari sa iba pang turista na nasa loob ng bus nang isa*gawa ang pagsalakay dito ng mga awtoridad.

HOSTAGE CRISIS PAIIMBESTIGAHAN NI PNOY

Samantala, nagsagawa kagabi ng press confe*rence si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III hinggil sa nangyaring krisis.
Sa kanyang pagharap sa media ilang oras ma*kalipas ang pangyayari sa Quirino Grandstand, sinabi ni Aquino na kanyang isusulong ang pagrebyu sa kaso ni Mendoza para madetermina kung may mali sa sistema ng Philippine National Police gayundin ang kasong kinakaharap nito sa Ombudsman.
Nais din umano ni Pa*ngulong Aquino ang masusing imbestigasyon sa hostage-taking upang ma*ging patas ang proseso para sa lahat.
“Tingnan natin kung nag-fail ang system”, ani Aquino bagama’t ayaw umano niyang husgahan agad ang pulisya. (With Rose Miranda)